Dumating si Yaya at Lola Tidora sa studio... may tampo pa din kay Alden si Yaya. Di sumuko sa panunuyo si Alden at di nagtagal, napaamo niya naman si Yaya. Babala: sobrang kilig factor inside. (wow...konti na lang eh....mahahalikan na eh....in Babalu tone hahaha)
Pinakiusapan ni Yaya na tawagan ni Alden ang Lola Babah niya at alamin ang tunay na dahilan kung bakit sila inimbita sa mansyon. Pero matigas si Lola Babah at ayaw talagang sabihin. Donut ni Lola Babah pa more! hahaha
Sobrang nag-aalala si Lola Nidora sa maaring mangyari sa pagpunta nila sa mansyon ni Lola Babah. Sumptuous pa more! Attendance is a must pa more! hahaha
Dumating na sa Mansyon ni Lola Babah sina Lola Nidora, Lola Tidora at Yaya. Nag-tour ang tatlo sa loob ng bahay kasama si Lola Babah. Nosebleed yung mga pangalan ng pagkain na inihain ni Lola Babah hahahaha!
Dumating si Cindy. Dumating din si Bloody Mir (ang kulet hahaha). Pero yung mga susunod na eksena baka hindi kayo na-orient... magbaon muna kayo ng oxygen haha! Regine!
Saan kaya pupunta si Yaya at Alden? Exciting sa Monday to!
No comments:
Post a Comment